Friday, March 7, 2008

husto na at lubusan na ang edukasyon..

sapat pa ba ang mga

tinuturo ng mga guro

sa mga pamantasan?


di ba't husto-husto na
ang lahat-lahat?
madami na din masyadong

iniisip ang mga

makabagong kabataan nga
ang aming mga utak at kalooban..

pagsusulit maya't-maya
'tila bang walang kapaguran


bugbog na sa lahat ng
pangaalipusta at pagmamalabis
ng mga guro ang aming
utak at maging ang aming
sistemang sinusundan ay basag na..

napupuno din ang mga marmol
at maging ang mga porselana..
papaano magagampanan ng
mga makabagong kabataan
ang kanilang magiging tungkulin
kung baon na baon sa poot
at panibugho ang mga kabataan ngayon..

para sa mga gurong nakakabasa nito
minsan din po kayo naging mag-aaral
kagaya namin..
konting konsiderasyon at wala naman
sanang personalan..

sapagkat maaaring nakalalagpas
kayo sa aming pananahimik
ngunit sa mata ni Bathala
at sa patnubay ng inyong Gabay-Diwa
ay matagal na kayong may lagda
sa inyong magiging papel at lugar
sa paraisong walang humpay..

No comments: